^

Metro

Kian negatibo sa gunpowder nitrates

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kian negatibo sa gunpowder nitrates

Ayon kay Dr. Jane Monzon, PNP-Crime lab medico legal officer, lumalabas sa kanilang pagsusuri nag-ta­mo si Kian ng gunshot wounds sa ulo, sa tenga at sa likod ng tenga. Michael Varcas, File

PNP crime lab result inilabas

MANILA, Philippines - Nag-negatibo sa gun-powder nitrates si Kian Delos Santos, ang 17-anyos na es­tud­yante na napatay sa isinaga­wang ‘Oplan Galugad’ ng Caloocan City police noong nakaarang linggo.

Ito ang lumabas sa isi-nagawang eksaminasyon kay Kian ng PNP Crime Lab.

Samantala, base rin sa resulkta ng isinagawa autopsy sa katawan ni Kian lumabas na dalawang tama ng bala ng baril sa ulo na pinaputok nang malayuan ang tinamo nito.

Ayon kay Dr. Jane Monzon, PNP-Crime lab medico legal officer, lumalabas sa kanilang pagsusuri nag-ta­mo si Kian ng gunshot wounds sa ulo, sa tenga at sa likod ng tenga.

Nilinaw naman ni Monzon na walang anumang tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima.

Posibleng 60 cm umano mula sa dulo ng baril ang layo ni Kian nang barilin ito dahil wala siyang marka o tattooing sa balat na indikasyon na malayuan itong binaril at pababa ang una at ikalawang gunshot wound ng biktima.

Paliwanag naman ni Monzon na naembalsamo na si Kian ng isailalim nila ito sa otopsiya kaya hindi na rin nila ito nakunan ng urine sample.

Nauna nang inihayag ni PAO forensic consultant Erwin Erfe na sinadya ang pagpatay kay Kian base sa kanilang pagsusuri dahil lahat ng tama niya ay fatal.

Bagama’t, negatibo sa gunpowder nitrates si Kian, ayon sa isang opisyal sa crime lab na hindi ito nangangahulugan na hindi nagpaputok ng armas ang isang tao dahil sa iba’t ibang factor kabilang na dito ang wind velocity o maging sa uri ng firearms na ginamit.

Kaugnay pa rin nito  ipri­nisinta na sa mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI), Ombudsman at Commission on Human Rights (CHR) ang tatlong testigo sa pagpaslang kay Kian na nasa kustodiya ni Senador Risa Hontiveros.

Sa Child Protection Unit ng Philippine General Hospital  iprinisinta ang  tatlong testigo na kinabibilangan ng  dalawang menor-de-edad.

Ayon kay Hontiveros na  minarapat nila na iprisinta ang mga testigo sa PGH dahil ito ang may sapat na pasilidad para maiproseso nang maayos ang mga testigong menor-de-edad. (Dagdag na ulat ni Doris Borja)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with