^

Metro

Bebot tinaniman ng bala sa ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Todas ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 25-30, mahaba ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt, gray leggings, doll shoes at may isang tama ng bala sa ulo.

Isang nagrorondang guwardiya na hindi na binanggit ang pangalan ang sinasabing nakakita sa bangkay ng babae na naliligo sa sariling dugo at nakasubsob ang ulo sa madamong lugar sa Main Road ng Biazon Avenue, NHA Southville 3, Brgy. Poblacion ng nasabing lungsod, dakong alas-6:20 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng SPD, isang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril na nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing­ imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang salarin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with