^

Metro

Biyahe ng LRT-2 natigil ng 1 oras

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Natigil ng mahigit isang oras ang biyahe ng Light Trail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon ng umaga dahil sa power failure.

Dakong alas-9:40 ng umaga nang ianunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority­ (LRTA) ang pagtigil ng kani­lang operasyon sa kabu­uang ng kanilang linya.

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, nagkaroon ng power interruption ang LRT depot sa Santolan Station dakong alas-9:20 ng umaga.

Naibalik ang suplay ng kur­­yente dakong alas-10:00 ng umaga at pagsapit ng alas-10:33 ng umaga ay tuluyan nang naibalik sa normal ang biyahe ng mga tren ng LRT-2.

Ang LRT-2 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan sa Pasig City at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with