^

Metro

5 tanod huli sa P4-M halaga ng droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Narekober na drugs hindi isinurender

MANILA, Philippines -  Limang barangay tanod ang dinakip ng mga awtoridad makaraang hindi isurender ang kanilang narekober na P4-milyong halaga ng droga mula sa isang abandonadong e-bike sa Makati City, kamakalawa ng gabi 

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. ang mga naarestong suspek na sina Alvin Notado, John Russel Ching, Diosdado Sta. Romana, Dennis Dalisay at Leo Dela Cruz, pawang mga brgy. tanod ng Brgy. San Antonio, Makati City.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi ng Agosto 20 narekober ng mga tanod ang isang inabandonang e-bike na nang kanilang siyasatin ay nakita nila ang 450 gramo ng droga, tatlong plastic sachet ng marijuana, sampung vials ng kesotea at tatlong piraso ng ecstacy.

Sa halip na isuko sa mga pulis ang mga na­banggit na bawal na gamot ay itinago ng mga tanod ang e-bike at droga.

Pero kamakalawa ng gabi ay isang impor­mante ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at isinuplong na may sakay na droga ang abando­nadong e-bike.

Mabilis na tinungo ng mga pulis ang Brgy. San Antonio at kinumbinsi ang mga tanod na isuko sa kanila ang bawal na gamot na noong una ay ayaw pang ibigay pero noong ipakita ang kuha sa CCTV ay napilitang na ring isurender ang mga epektos at ang e-bike.

Ikinakatwiran naman ng mga barangay tanod na iniulat nila ang pagkakadiskubre sa e-bike na may mga droga  kay Brgy. Chairman Restituto Cajes pero pinigilan umano sila nitong ipagbigay-alam agad ang nakita sa pulisya.

 Nang malaman ng intelligence enforcement unit ng Makati, saka lang nakapagkasa ng operasyon ang mga pulis habang inaresto naman ang mga tanod.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa detention cell ng Makati City Police at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 27 (Cri­minal Liability of a Public Officer or Employee for Misappropriation, or Failure to Account for the Confiscated, Seized and/or Surrendered Dangerous Drugs) ng Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Makati Prosecutor’s Office.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with