^

Metro

Mag-amang ‘tulak’, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 45-anyos na  lalaki at ang menor-de-edad na anak na kapwa sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation  Sabado ng gabi, sa Caloocan City.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa  Caloocan City Prosecutors Office sa paglabag sa Section 5 (selling of illegal drugs), Section 16 (conspiracy) ng Republic Act 9165 ang mag-ama na kinilalang si Moreno Campos at isang di tinukoy na pangalan ng 17 -anyos na anak na lalaki, kapwa residente ng Little Baguio, Brgy. 180, North Caloocan.

Sa ulat ng Drug Enforcement Unit of Caloocan Police North Extension Office (NEO),  dakong alas- 8:00 ng gabi ng Agosto 19 nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa kanilang lugar.

Nakabili ang poseur-buyer ng shabu sa halagang P400 mula sa binatilyong anak ni Campos sa harapan ng kanilang bahay. Nang magkapalitan na ng shabu at marked money ay inaresto na ang menor-de-edad at mabilis na pinasok ng mga operatiba ang bahay nito.

Sa loob ng bahay ay naaktuhan pa ng mga operatiba ang pagre-repack ni Campos ng shabu at sinamsam ang nasa 12 heat-sealed plastic sachet ng shabu at mga gamit sa pagre-repack.

Kinuha kay Campos ang isang cellular phone at nakita sa palitan ng messages ang transaksiyon ni Campos sa isang alyas Niknik, na lumalabas na nagsusuplay ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with