^

Metro

Ginang dawit sa droga, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang na kilalang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga ang pinagbabaril at napaslang ng mga hindi nakilalang lalaki habang nakaupo sa isang motorsiklo sa may Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Ospital ng Maynila ngunit hindi na rin umabot ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan si May Velasquez, 39, at residente ng Raxabago St., Tondo, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Crime Against Person Section, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa may Dagupan Street malapit sa kanto ng Raxabago Street, Tondo habang nakaupo sa isang motorsiklo ang biktima nang lapitan ng gunman at walang sabi-sabing pinagbabaril ito. 

Kumaripas ng takbo ang gunman at sumakay sa isang motorsiklo na minamaneho naman ng naghihintay na kasamahan saka mabilis na tumakas tungo sa direksyon ng Tayuman.

Ayon sa saksing si Danilo Velasquez na ang biktima ay dating sangkot sa illegal drug trade sa Balic-balic sa Sampaloc, Manila ngunit naaresto na rin ng mga pulis at nakulong. Idinagdag pa ni Brgy.  Kagawad Edwin Sangalang na kilalang drug personality sa Brgy. 155, Zone 14, District II ang biktima.

Samantala, isa pang babae ang napaslang din ng mga hindi nakilalang salarin sa Tondo, kahapon ng hapon.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Marilen Bequilla, 49-anyos, at naninirahan sa Parola Compound, Tondo, ng naturang lungsod.

Sa ulat, naglalakad lamang ang biktima pasado alas-3 ng hapon sa may Area B, Gate 10 sa Parola Com­pound, Tondo nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin. 

Nagtamo rin ang bik­tima ng mga sugat sa kaliwang kamay, mukha at kaliwang hita. Blangko pa naman ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan sa salarin habang nagsasagawa pa ng masu-sing imbestigasyon sa natu-rang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with