^

Metro

Ret. police Maj., anak patay sa ambush

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang retiradong police Major at anak nito ang kapwa nasawi makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mag-amang biktima na sina Ret. Police Chief Inpector Hoover Pascual, dating naka-assign sa San Juan City police at anak nitong si Henrick Pascual, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Coronado St., Brgy. Hulo, Mandaluyong City.   

Ang pananambang sa mag-ama ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Blumentrit St., Brgy. Hulo sa Mandaluyong City.

Ayon sa report, lulan ang mag-ama ng kanilang kotse na Mercedez Benz  at binabagtas ang kahabaan ng Blumentrit St., nang  pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang tatlong salarin na sakay ng isang kulay puting van na hindi nakuha ang plaka na mabilis ding tumakas matapos ang isinagawang krimen.  

Nabatid sa report na sakay din sa Mercedez Benz ang girlfriend ni Henrick na kinilalang si Marigold Remo na noon ay nasa passenger seat, pero hindi naman tinamaan ng bala at hindi rin sinaktan ng mga suspek.

Naisugod pa sa Lourdes Hospital ang mag-ama pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with