^

Metro

Technician tinodas ng kainuman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang saksak sa katawan ang ikinasawi ng isang technician matapos na saksakin ng kanyang kainuman kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Danilo Ignacio Jr., 33, binata, aircon technician at residente ng No.2 Masaraga St., Brgy. Tatalon, ng nabanggit na lungsod. 

Hindi naman nagawang makatakas ng suspek na si Patrick Francisco, 27, ng No. 79-Samar St., Group 6, Brgy. Payatas B, Quezon City dahil hinarang na ito ng taumbayan. Nakakulong ito ngayon sa QCPD-CIDU Detention Cell sa Camp Karingal.

Ayon kay PO3 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso ng Criminal Investigation Detection Unit  (CIDU), nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Fernandez Compound sa No.2 Masaraga St., Brgy. Tatalon. 

Sinabi nina Elvis Fer­nandez at Rafael Zuñiga na masaya silang apat na nag-iinuman at wala umano silang napansing alitan ng biktima at ng suspek hanggang sa inihatid na umano ni Fernandez sa labasan sa terminal ng tricycle ang suspek matapos nitong sabihin uuwi na siya.

Naiwanan ang biktima sa compound, subalit pagkaraan lang ng ilang sandali ay muling bumalik ang suspek na armado ng balisong at walang sabi-sabing bigla nitong sinaksak ang biktima na nagawa pa nitong sanggahin ng kanyang kaliwang braso, subalit muli itong sinaksak ng suspek sa kaliwang  dibdib na naging sanhi ng kanyang kamata­yan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with