^

Metro

Dayo sa Baseco, inutas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na sinasabing dayo lamang sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa kalsada, kamakalawa ng gabi.

 Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’2”-5’4”, katamtaman ang katawan, may tattoo na rosary sa kanyang leeg at “ANTHONY” sa kanyang kamay, at nakasuot ng brown na cargo pants.

 Sa inisyal na ulat ng MPD-Crime Against Person Section, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-10:30 ng gabi sa may Block 15-B Staging Area, Lot 28 Baseco Compound, Port Area.

 Nabatid lang sa mga residente na nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nang puntahan ang pinanggalingan nito ay nakita ang duguang biktima na nakalugmok sa kalsada.  Isinugod pa ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ngunit idineklara na siyang walang buhay dahil sa maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga salarin at motibo sa pamamaslang dahil sa kawalan ng kooperasyon ng mga residente sa naturang lugar na posibleng dahil sa takot na sila naman ang mabalikan ng mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with