^

Metro

Chinese timbog sa pagkidnap at pagpiit sa Koreano

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado sa kasong kidnap­ping at serious illegal deten­tion ang isang Chinese national­ na isang casino financier at iti­nuturong mastermind sa pag­dukot sa isang Korean national na kanyang piniit sa loob ng 11 araw sa Maynila.

Ayon kay P/Chief Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Ma­nila Police District-General Assignment and Investigation­ Section (MPD-GAIS), nakata­kas umano ang biktimang si Jung Jae Hoon, 39, at nanu­nu­luyan sa Unit 2416 Le Mirage Condo­minium na matatagpuan sa A. Mabini St., Maynila no­ong Agosto­ 17 ng alas-7 ng gabi nang malasing ang mga nagbabantay sa kanyang mga Chinese kasama ang mastermind na si Gong Yu Jia, 28, isang Chinese casino financier, tubong Fujian China at nanunuluyan sa Pan Pacific Hotel.

Naganap umano ang pagdukot sa biktima noong Agosto 6, dakong alas-11 ng gabi ma­tapos matalo sa casino ng Pan Pacific Hotel na matatagpuan sa Adriatico St. corner Malvar St., Ermita, Maynila.

“Humiram dun sa suspek yung Koreano ng halagang P600,000 at nang matalo yung hiniram na pera, inutusan ng suspek yung kanyang mga tauhan na idetine yung Koreano na inilipat-lipat ng lugar tapos ipinatutubos ng P4 mil­yon sa kanyang pamilya”, ayon kay de Ocampo.

Hindi na nagawang maka­pagpadala ng ransom ang pa­­milya ng biktima nang masu­werte itong makatakas sa mga bumihag sa kanya at nagsumbong na sa Korean Embassy saka nagreport sa pulisya. Nagtungo sa Camp Crame ang biktima para patulong kay Kwon Hyosang, Korean Desk police na naka-detail sa CIDG Camp Crame sa Quezon City na siyang nakipag koordinas­yon sa MPD-GAIS.

Nagpadala pa umano ng larawan ang sindikato sa pa­milya ng biktima sa Korea na nakatali ang paa at kamay at may dugo sa mukha bilang patunay na dinukot ang biktima at palalayain lamang­ kapag nakapagbigay ng halagang P4 milyon. Kaagad namang umak­syon ang MPD-GAIS at bumuo ng grupo para maaresto ang mga suspek at pagdating sa Pan Pacific Hotel positibong itinuro ng biktima ang suspek na noon ay nasa loob ng casino na uma­no’y siyang dumukot sa kanya kaya agad itong  hinuli nina PO2 Dexter Dela Paz at PO3 Paul Robin Bautista pero hindi nadakip ang 10 pa niyang ka­sa­mahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with