^

Metro

Mag-ama patay sa sunog

Ghio Ong - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang mag-ama matapos ang tatlong oras na sunog na tumupok sa may 100 kahabayan sa Malate, Manila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Fire Supt. Antonio Razan Jr., fire marshal ng Manila Fire Department ang mga nasawi na sina Abelardo Salonga, 79 at anak na si Jimmy, 47.

Nabatid na na-trap ang mag-ama sa loob ng comfort roon ng kanilang bahay.

Base sa inisyal na imbestigasyon nakalabas na umano si Jimmy nang bumalik sa loob ng bahay para sagipin ang kanyang tatay pero hindi na nila nagawa pang makalabas dahil sa matinding apoy at usok.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Bobby Fernandez at Misael Pamposana sa Camia St. sa Malate dakong alas-3:53 ng hapon.

Mabilis na kumalat ang apoy  kung saan agad na itinaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog.

Tinatayang nasa 125 kabahayan ang naabo, at aabot naman sa 250 pamilya ang naapektuhan habang nasa P2.7 milyon ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Inaalam pa ng sanhi ng sunog, gayundin sinisilip din na may kinalaman ito sa ilegal na koneksyon ng kuryente sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with