^

Metro

Mahigit 100 estudyante, ‘nalason’ sa choco shake sa iskul

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigit sa 100 estudyante ng isang paaralan ang sinasabing ‘nalason’ mula sa umano’y binili nilang choco shake sa kanilang canteen kamakalawa sa Quezon City.

Nilapatan ng paunang lunas sa Novaliches District Hos­pital, Bernardino General Hospital (BGH) at FEU Hospital­ ang nasa mahigit 100 estuyante ng Santa Lucia High School sa naturang lungsod.

Halos sabay-sabay uma­nong dumaing ang mga ito nang pananakit ng ulo, sakit ng tiyan at pagsusuka.

Base sa inisyal na ulat  na natanggap ng Quezon City Police District (QCPD), ayon kay City Health Department Dra. Verdades Linga, nagsimula umanong isinugod ang mga estud­yante ala-1:00 ng hapon ng Biyernes sa kanilang school clinic.

Dahil nagsunud-sunod na umano ang dami ng mga estud­yante ang nakaranas ng hilo at pagsusuka kung kaya’t alas-3:00 ng hapon hanggang alas-9:00 kamakalawa ng gabi ay isinugod na ang mga biktima sa mga nabanggit na ospital.

Sa pinakahuling report ay halos nakauwi na rin sa kanilang mga bahay ang mga biktima bago mag hatinggabi hanggang­ madaling araw ng Sabado.

Ayon sa isang biktimang estudyante, na umano mapait ang lasa at amoy sabon umano ang nainom nilang choco shake. Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with