^

Metro

Witness sa Kian slay, may death threats

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Witness sa  Kian slay, may death threats

Dumagsa ang mga nakidalamhati sa pagkamatay ni Kian Lloyd delos Santos sa kanilang maliit na bahay sa Caloocan. (Kuha ni Ludy Bermudo)
 

MANILA, Philippines -  Nakakatanggap na umano ng death threats at mga pa­nanakot ang mga testigo sa pagpaslang kay Kian Lloyd delos Santos, ang binatilyong napatay sa nakaraang ‘Oplan Galugad’ na isinagawa ng Ca­loocan City Police.

Ito ang ibinunyag ng ama ni Kian na si Mang Zaldy na nagpasalamat din sa marami niyang kalugar na handang tumestigo sa kaso ng kanyang anak.

Gayunman, hindi naman umatras ang mga nakakita sa pangyayari at nangakong  ibu­bunyag ang kanilang nasaksihan maging ang mga pulis na dawit dito.

Labis ding ikinagalak ng ina ni Kian na si Lorenzana, 43, na mismong isa sa kanyang kapitbahay ang nag-abot pa nga sa  kanya ng basyo ng bala   dahil baka maaari umano itong gamitin bilang ebidensiya. 

Hindi rin umano natatakot ang isa pang testigo na aktuwal na nakasaksi sa insidente na nagsabing kilala niya ang mga pulis at nakita niya mismo kung paano pinatay si Kian. 

Kuwento niya, dalawang pulis ang nagpaputok nang sunod-sunod kay Kian, habang nasa pader ang binatilyo. Nakatakip umano ang mukha nito, at nagmamakaawa pa sa mga pulis bago pinagbabaril. 

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga kamag-anak, kaklase, at mga guro sa burol ni Kian.

 Samantala, muling inulit ni Aling Lorenzana ang pagnanais ng kanyang anak na maging isang pulis.

 “Maliit pa siya sa school at sa mga role playing palagi pulis ang role niya at idol niya si Probinsiyano na si Coco Martin, palagi niya yun pinapa­nood, tapos mga pulis ang pumatay sa kaniya ng walang kalaban-laban”, dagdag pa ng nanay ni Kian.

Mariin ding itinanggi ni Gng. Lorenzana ang akusas­yon na ‘courier’ ng iligal na droga ang kaniyang anak at may ka­mag-anak silang alyas Neneng na tulak ng droga.

“Binabaligtad pa nila kami ngayon kami na nga ang namatayan, kami pa ang masama, walang rekord sa barangay ang anak ko, ang asawa ko at sinuman sa anak ko, patunay  yan dahil mismong taga VACC (Volunteers Against Crime and Corruption) na mismong nagkalkal ng rekord sa barangay namin. Tingnan ninyo ang mga gamit naming, isang bentilador na halos walang hangin at walang case, ang TV namin na panahon pa ni kupong-kupong, itong bahay na ito sa mga magulang naming at hindi pa nga matapos mapagawa kahit nasa abroad ako. Tingnan mo itong cabinet namin ng damit mga plastic lang na de-tali kasi kusang bumubukas. Yan ba ang nagtutulak ng droga at nag-aabroad ako, dapat may gamit kaming maganda, puro bulok na nga, hindi ako nahihiya ipa­kita sa lahat ang buhay ko,” ani Gng. Lorenzana.

Nabatid na sa susunod na Linggo pa (Agosto 27) ililibing si Kian dahil marami pa silang inaasikasong papeles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with