^

Metro

6 pang ‘tulak’ bulagta sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Anim pang mga hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga ang na­paslang sa lungsod ng Maynila sa magkakasunod na anti-drug operations na muling ikinasa ng Manila Police District, kahapon ng madaling araw. Sa ulat na nakalap sa MPD-Crimes Against Persons Investigation Section, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang mapaslang ang mga suspek na sina Meljohn Galman, alyas Toks, at Jessie Boy Yumang, sa loob ng kanilang bahay sa Tejeron St., Sta. Ana. Alas-2:45 naman ng madaling araw nang mapatay naman sina Edmel Santiago at Joey Santos, sa ikinasang buy-bust sa tapat ng kanilang bahay sa may San Roque Street, Sta. Ana. Ayon sa pulisya, pawang nanlaban umano ang mga napaslang sa mga pulis sa gitna ng buy-bust nang mahalata na mga parak ang kanilang katransaksyon. Muling nakailag sa bala ang mga ope­ratiba habang sapul sa bala ng mga pulis ang mga suspek dahilan ng kanilang kamatayan.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula kina Galman at Yumang ang dalawang kalibre .38 revolver, 17 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P200 buy-bust money habang narekober mula kina Santiago at Santos ang dalawang kalibre .38 revolver, 13 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P200 marked money. Sa Tondo, napaslang dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi sina Norman Anyaya, 25 at si Vicente Bartolome, 50-55 anyos, kapwa naninirahan sa Oroqueta St., Sta. Cruz, Maynila. Isang buy-bust operation ang ikinasa sa PNR Railroad track sa Hermosa St., Tondo kung saan nakipagbarilan rin umano ang dalawa sa mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkasawi. Nakumpiska ng pulisya ang isang kalibre .45, isang kalibre .38 mga baril, mga bala, at anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with