^

Metro

22 bulagta sa drug ops sa CAMANAVA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
22  bulagta sa drug ops sa CAMANAVA

Ang isa sa 22 ka­taong na­sawi sa drug ope­rations sa CAMANAVA area. Napatay ito sa may North Bay Boulevard sa Navotas. (Kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines -  Dalawamput-dalawang katao kabilang ang isang dating pulis ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa CAMANAVA area (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa buong magdamag. 

Sa Caloocan 12 katao na ki­nabibilangan ng isang dating­ pulis na huling nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) ang nasawi.

Sa ulat mula sa tangga­pan ni Senior Supt. Chito Bersa­luna­, hepe ng Caloocan Police, nasawi sina SPO1 Ramon Ang, dating pulis QC at asawa na si Edna, nang masabugan ng gra­nada sa loob mismo ng kanilang bahay sa Phase 4C, Package 3, Block 40, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan.

Intensiyon umano ni SPO1 Ang na ang mga operatiba ng Police Community Precinct 3 ang pasabugan nang ihagis ang granada subalit sa kanila ito sumabog, dakong alas-10:00 ng gabi noong Huwebes. Napatay din dakong alas-8:30 ng gabi sa Abato St., Brgy. 13 si Erick Dela Cruz, 39, nang manlaban sa buy-bust operation habang sa hiwalay na operasyon ng ‘Oplan Galugad’ sa BMBA Com­pound, Brgy. 120, nakilala lamang­ ang isa sa nasawi sa alyas na Amay at dalawang hindi pa tukoy ang pagkilanlan.

Patay din ang isang alyas Mac-Mac sa operasyon sa Miranda Subdivision, Llano Road, Brgy. 167, Caloocan at narekober sa kanya 2 plastic sachets ng shabu at kalibre 38 baril.

Halos kasabay nito ang buy-bust operation sa Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City kung saan nasawi naman sina Ramil Sabalde at RJ Espinosa na kabilang sa drug watchlist sa kanilang barangay. Narekober umano sa mga suspek ang isang sumpak at kalibre 38 baril at 16 na plastic sachet ng shabu.

Napatay din matapos manlaban sa mga tauhan ng PCP-3 si James Sese, alyas Ron-Ron, na kilalang ‘tulak’ ng ‘droga’ sa Brgy. 178 Bagong Silang.

Alas-4:00 ng madaling araw nang respondehan ng Caloocan Police ang naganap na holdapan sa reklamo ng taxi driver na si Thomas Bagcal, kung saan nanlaban sa mga pulis ang di pa kilalang suspek na armado ng baril at kagyat na nasawi.

Samantalang, dakong alas 5:25 ng umaga kahapon, isang hindi pa kilalang lalaki na biktima ng summary execution ang natagpuan sa madamong ba­hagi ng bakanteng lote sa Dallas St., Sampaguita Subdivision, Brgy., 176, Camarin, na may mga tama ng bala sa katawan.

Sa Malabon at Navotas, umabot sa limang katao ang bumulagta sa naganap na anti-drug operations sa magkakahiwalay na lugar sa Malabon at Navotas sa buong magdamag.

Alas-8:00 ng gabi ng Huwe­bes nang salakayin ng Nor­thern Police District-District Spe­cial Operations Unit (DSOU) Police ang Block 49, Alupihan Dagat St., Brgy., Longos kung saan napatay si Alvin Villamedez, 47.

Dead on arrival din sa pa­ga­mutan ang kilalang drug pusher na si Rolando Liwag, 51, nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa  Interior Kaingin st.

Sa Navotas, patay din sina Conrado Gapasin, 57 at isang alyas Boy Pogi ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) sa buy-bust operation ng mga pulis dakong alas-11 ng gabi.

Bandang alas-3:30 ng madaling araw kahapon nang man­laban sa buy-bust opera­tion ang mga tauhan ng NPD-DSOU si Arnel Mendoza, 35, sa abandonadong­ guardhouse sa Kingsborough Subd., Entrance Brgy., Pang­hulo, Malabon City na nagresulta ng kanyang kamatayan. Nakuha sa kaniya ang kalibre 38 baril.

Sa Valenzuela City, lima katao na sangkot din umano sa iligal na droga ang nasawi sa magkakahiwalay na operasyon sa buong magdamag.

Nakilala ang mga nasawi na sina Antonio Bautista, Reylindo Diome, isang alyas Joel, Rowell Floresca at Fernando Centeno, Jr.

Sina Floresca at Centeno, Jr. ay nanlaban umano sa anti-drug operation sa Libis, Canumay West at Area 6 Purok 4 Maysan dakong alas-11:00 ng gabi nitong Huwebes .

Sa hiwalay na drug operation patay din ang isang alyas Joel sa Bernardino St., Brgy., Gen T De Leon, Valenzuela habang ala-1:50 naman kahapon ng madaling araw nang bawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan si Reylindo Diome sa Daang Bakal, Mc Arthur Highway, Valenzuela.

Alas-2:40 ng madaling araw kahapon nang mapatay naman­ si Bautista sa anti-drug opera­tion din sa Evangelista St., Brgy., Arkong Bato, Valenzuela.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with