^

Metro

17-anyos patay sa Caloocan ‘One Time-Big Time’ Operation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang 17-anyos na bi­na­­­tilyo ang nasawi nang ma­­ki­pagbarilan umano sa mga operatiba na nagsa­­ga­wa ng “One Time-Big Time” operation sa Caloocan­ City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinila­lang­ si Kian Lloyd Delos Santos, ng Block 8, Lot 28, Libis, Baesa Barangay 160, Caloocan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay nagsagawa ng operasyon sa Libis, Baesa, Caloocan­ ang mga tauhan ng Police­ Community Precinct at ingi­­nuso umano ng impormante ang isang lalaki na may nakasukbit na baril at pagala-gala umano sa erya ng  Block 7, Riverside.

Nang puntahan ng mga pulis ay pinaputukan umano­ sila ng suspek kaya’t gumanti ang una at napatay ito.

Hindi naman umano target si Delos Santos sa operasyon na natiyempuhan lamang at narekober mula sa kaniya ang kalibre 45 baril at 2 plastic sachet ng shabu sa bulsa.

Beniberipika pa ng mga imbestigador ang nakalap na impormasyon hinggil sa pagiging sangkot ng bik­tima sa iligal na droga.

Hindi naman makapaniwala ang ama sa sinapit ng anak dahil sa paniwala na sinalvage ito matapos na makita sa CCTV footage na bitbit ito ng dalawang pulis bago binaril sa sulok.

Anya, kung totoong nan­laban ang kanyang anak bakit hindi agad nila ito bi­naril kung saan nila ito ina­resto. Lumitaw din ang mara­­ming testigo na hindi nanla­ban ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with