^

Metro

1 patay sa kotseng napisak ng cement mixer

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na ang padre de pamilya na isa sa nadaganan ng isang cement mixer truck habang sakay ito ng minamaneho nitong kotse kasama ang pamilya kamakalawa ng hapon.

Alas-7:32 kamakalawa ng gabi, idineklarang patay si Ulyses Ramos, 35, makaraang isugod sa pa­gamutan, ng Kingspoint Subdivision ng naturang lungsod.

Nasa pagamutan pa rin ang kanyang misis na si  Marife, 35; mga anak na may edad 12, 8 at 4.

Samantala, ang driver ng mixer na si Jayson Muleta, 27, taga Phase 3, Urban Lupang Pangako, Brgy. Payatas ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries at damage to property. Nakakulong na ito sa Quezon City Traffic Sector 6.

Ayon sa inisyal na im­bestigasyon ni PO3 An­to­nio Tabios, naganap ang insidente alas-4:30 ng ha­pon sa harapan ng tanggapan ng Bureau of Jail Ma­nagement and Peno­logy (BJMP) sa Min­­danao Ave­nue, Brgy. Bahay Toro ng naturang siyu­dad.

Sakay ang mga biktima ng isang kulay puting Honda Brio (AOA-3301) at mag-go-grocery sana ang mga ito nang suyurin ng   16-wheeler cement mixer truck na pag-aari ng Top Star Mix Ready Concrete Inc., na ang tanggapan ay matatagpuan sa Caloocan City.

Pagkatapos ay rumam­pa sa center island ang mixer cement hanggang bumuwal at madaganan ang sasakyan ng mga bik­tima.

Umabot ng halos tatlong oras bago tuluyan nakuha sa napipi nilang sasakyan ang nasawing si Ulyses.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with