^

Metro

4 minasaker sa QC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Apat katao ang minasaker  ng hindi pa nakikilalang mga suspect kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kani-kanilang katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sina alyas Jennifer Taba, 43 at alyas  Loloy Bad Boy 32; samantalang dead-on-the-spot naman sina Ignacio Yutero, 40,  at  isang alyas Joel, 35.

Sa report na nakarating kay Quezon City Police District (QCPD) director,  Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, naganap ang insidente alas-11:00 kamakalawa ng gabi sa Purok 2, Area 5, Laura St., Brgy. Old Balara ng naturang siyudad.

Nabatid na unang narinig ang sunud-sunod ng putok ng baril hanggang sa makita nang nakabulagta ang mga biktima.

Ayon sa mga residente, sina alyas  Loloy Bad Boy at alyas Joel ay dayo lamang sa naturang lugar.

Inaalam pa ng pulisya, kung may kinalaman sa droga ang insidente dahil ayon sa opisyal ng Brgy. Old Balara, nasa drug watchlist ng kanilang barangay ang  pinatay  na mga biktima.

Kaagad na nagpalabas ng direktiba si Eleazar na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente at manhunt operation kung sino man ang mga taong nasa likod nang pag-massacre sa mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with