^

Metro

MRT-3, apat na beses na tumirik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muli na namang naabala ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos apat na beses na tumirik ang mga tren nito kahapon.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, nabatid na unang napilitang magpababa ng mga pasahero ang isang tren ng MRT-3 dakong alas-5:52 ng madaling araw sa southbound ng Ortigas Station habang pagsapit ng alas-11:28 ng tanghali ay nagbaba muli ng mga pasahero ang isa pang tren nito sa southbound ng GMA Kamuning Station.

Ang ikatlong aberya naman ay naganap sa southbound ng Buendia Station dakong ala-1:56 ng hapon, kaya’t muli itong nagbaba ng mga pasahero.

Ayon sa MRT-3, pawang technical problem ang dahilan ng mga naturang aber­ya, na umabot sa Category 3 status, na nangangahulugang inalis ang mga tren sa linya nang walang kapalit.

Ang ika-apat na aberya ay naganap dakong alas-3:00 ng hapon sa pagitan ng Buendia at Ayala station southbound.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with