^

Metro

Pulis-Maynila patay sa ambush

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Habang ihahatid ang anak sa paaralan

MANILA, Philippines -  Patay ang isang pulis-Maynila makaraang tambangan at pagbabarilin ng nasa anim na armadong kalalakihan habang sakay ang biktima ng isang motorsiklo at kaangkas ang anak niyang dalagita, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang napaslang na si PO2 Mark Anthony Peniano, nakatalaga sa Manila Police District-Headquarters Support Unit at naninirahan sa Pacheco St., Ermita, Tondo. Nagta­mo ang biktima ng higit sa 20 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dahilan ng kanyang agad na kamatayan.

Isang bystander na nakilala sa alyas na Alvin ang tinamaan naman ng ligaw na bala sa hita na isinugod sa hindi nabatid na pagamutan.

Sa ulat ng MPD-Crime Against Person Section, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa kanto ng Ayala Blvd., at San Marcelino St., sa Ermita, Maynila. Nabatid na sakay ang biktima ng isang scooter at angkas ang kanyang dalagitang anak na ihahatid sana niya sa pinapasukang Emilio Aguinaldo College nang maganap ang pana-nambang.

Sa Taft Avenue sana ang ruta ng mag-ama ngunit dahil sa mabigat ang trapiko kaya sa Ayala Boulevard dumaan ang mag-ama. Dinikitan ng mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo ang biktima saka unang binaril sa tagiliran. Nang bumagsak ang scooter ng mag-ama, tinangkang tumakbo ng biktima ngunit pinagbabaril na siya ng mga suspek hanggang sa tuluyang bumulagta.  Hindi naman ginalaw ng mga salarin ang anak ng biktima.

Agad na nagsitakas ang mga suspek lulan ng mga motorsiklo na hindi naman nakilala ng mga nakasaksi dahil sa suot na mga helmet at face masks. Isinugod naman sa Mary Chiles Hospital si Peniano ngunit idineklara na siyang ‘dead-on-arrival’.

Nabatid naman na nakunan ng footage ng nakaka­bit na ‘closed circuit television camera’ ang insidente na nirerebisa na ngayon ng pulisya sa pag-asang makakakuha ng lead upang makilala ang mga salarin.  Nasa 25 basyo ng bala ng kalibre .45 at .9mm pistols ang narekober naman sa lugar ng krimen.

Kaugnay nito, sinabi ng asawa ng biktima na na­banggit umano sa kanya ng mister na may mga nagbabanta sa kanyang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with