^

Metro

2 pekeng Customs employee, tiklo sa swindling

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dala­wang lalaki na nagpanggap na empleyado ng Bureau of Customs na nagbebenta ng mga puslit na items sa inter­net ngunit tinatakbuhan ang mga buyer makaraang matiklo sa isang entrapment operation, kamakalawa sa Port Area, Maynila.

Nakilala ang mga sus­pek na sina Romello ‘Romel’ Muring Moleta, 48, at Julius Sarmiento Velarde, 38, kapwa ng  Tondo, Maynila.  Nakatakas naman at pinagha-hanap na mga awtoridad ang kasabwat nilang si Ernesto De Guzman.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 5, dakong alas-11 ng Ling­go ng umaga nang ikasa ang entrapment operation sa tapat ng compound ng BOC. Ito ay makaraang lumapit sa pulisya ang isang biktima na nagpatago ng pangalan ma-ka­raang maloko siya ng mga suspek.

Ayon sa biktima, una siyang nabiktima ng mga suspek noong Mayo 2016 nang makita niya sa isang buy and sell website ang ibinibentang motorsiklo na nagkakahalaga ng P125,000.  Nakipagtransaksiyon umano siya sa nagpakilalang Danny Gomez hanggang  itinakda ang araw ng kanilang pagkikita at noon naganap ang panggogoyo. 

Sa araw ng kanilang meet-up, ipinakita sa kanya ng suspek na nagpakilala sa pangalang Louie Santiago ang invoice ng motorsiklo na kailangang bayaran pa sa BOC para mailabas ang item.  Nang maiabot niya ang pera, sinabihan siya na maghintay dahil sa ipoproseso ang pag­labas ng item sa BOC ngunit hindi na bumalik ang suspek.

Nitong Agosto 5, ti­nawagan muli ng suspek na si Gomez ang biktima at tinangka siyang bentahan ng mamaha-ling laptop  computer.  Nagpanggap na ang biktima na hindi niya kilala ang suspek at nakipagtransaksyon hanggang sa magkasundo na magkikita sa Port Area, Maynila para sa bentahan.

Dito na humingi ng saklolo ang biktima sa MPD-Station 5 na nagplano ng entrapment.  Dinampot sina Moleta at Velarde nang maiabot ng biktima ang P75,000 marked money habang nakatakbo si de Guzman.

Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang identification card ng BOC. Sinabi ng mga ito na napag-utusan la­mang sila ng isang Atty. Louie Santiago na isa umanong opis­yal sa BOC. Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong estafa at attempted estafa sa piskalya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with