^

Metro

4 na naman bulagta sa Caloocan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na lalaki na sangkot umano sa iligal na  droga at holdap ang magkakasunod na napatay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­sawi na sina Arturo Pa­­dua, Jr.;  Arnold Platil­la, 43; Rience Marrion Auintia, 24, at Jere­miah Ser­vania.

Sa ulat na isinumi­te kay Senior Supt. Chi­to Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police,  dakong  alas -10:45 ng gabi nitong Linggo nang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa Phase 9,  Brgy. 176 nang itawag sa kanila ang nagaganap umanong lantarang pagbebenta ng shabu ni Padua.

Papalapit pa lang ang operatiba nang salubungin ng mga putok ng grupo ni Padua na nauwi sa engkuwentro. Tinamaan si Padua habang ang mga kasamahan niya ay nakatakas.

Narekober kay Pa-dua ang dalawang pakete ng shabu at paltik na baril.

Hindi pa man tapos ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa crime scene at nasa lugar pa ang grupo ng PCP 3 na pinangunahan ni Chief Insp. Ronald Cayago,  may nagturo sa kanila na ang dalawang lalaki na nagtatago umano sa Phase 9, Package 3, Block 4, Lot 7, Bagong Silang, na sinasabing kapwa sangkot sa serye ng holdapan.

Agad na sinalakay ang lugar subalit sinalubong din sila ng mga pu-tok ni Platilla na nauwi sa engkuwentro kung saan nasawi ang dalawang suspect. Narekober mula sa dalawa ang isang sumpak, kalibre 22 na baril at 2 plastic sachet ng shabu.

Samantala, patay din ang isang 20-anyos na si Sevania na kabilang sa drug watch list nang pasukin sa bahay habang nanonood ng video game at pagbabarilin ng dalawang lalaki na kapwa nakatakip ang mukha sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Servania, residente ng  Purok La Loma, Mor-ning Star Subdivision, Brgy. 178,  Camarin, Ca­loocan.

Sa imbestigas­yon, pwersahang pinasok ng dalawang lalaking nakasuot ng mga bonnet at face masks ang bahay ng biktima at ina­butan nila si Servania na nanonood ng video game at walang sabi-sabing pinaulanan ng putok sa katawan bago mabilis na tumakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with