PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tricycle driver inutas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hin­di pa nakikilalang salarin ang isang tricycle driver habang naghihintay ng pasahero ang biktima sa Sampaloc, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa United Doctors Medical Center si Mark Yamson Alquero, 28, at na­ni­nirahan sa No. 514 Cala­bash St., Sampaloc, ng na­turang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang krimen dakong alas-7:15 ng gabi sa may Calabash St. kung saan nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang ipinapasadang tricycle at naghihintay ng pasahero nang sumulpot ang tatlong lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakbo ang mga salarin sa direksyon ng G. Tuazon St. lulan ng hindi mabatid na behikulo. 

Tikom naman ang bibig ng mga nakasaksi sa krimen dahil sa posibleng takot na sila ang mapag-initan.

Patuloy na blangko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang ngunit inaalam na ng mga imbestigador ang background ng biktima upang makakuha ng lead sa posibleng anggulo ng krimen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: