PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 drug suspects, tiklo

MANILA, Philippines - Arestado ang apat na katao na sangkot sa aktibidad ng illegal na droga sa kani-kanilang lugar sa Pasig at Marikina City.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, ang mga suspek na sina Janus Ferarin, Alvin Barlao, Miguel Aquino, at Jaime Retrato, Jr., na pawang nasa hustong gulang, ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat, si Ferarin ay naaresto dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi sa Dalandan St. sa Brgy. Kalawaan, Pasig City ng mga tauhan ng Pasig City Police-PCP 2.

Nagsagawa ng Oplan Galugad/Bulabog ang mga awtoridad sa lugar at kaagad na dinakip ang suspek nang mahulihan ng dalawang plastic sachet ng shabu.

Samantala, sa isang buy-bust operation naman naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police sina Barlao at Aquino.

Nabatid na nakatanggap ng report ang pulisya sa illegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust dakong alas-7:00 ng gabi sa kanilang tahanan sa 26 Sapphire St. sa Marikit Subdivision sa  Brgy. Conception Uno, Marikina City, na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang walong plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P 300 buy-bust money.

Nagsagawa rin ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Pasig City Police-SDEU laban kay Retrato, matapos na makatanggap ng tip na umano’y sangkot siya sa pagtutulak ng illegal na droga.

Dakong 11:00 ng gabi nang maaresto ito sa Vicper Compound, Brgy. Malinao, Pasig City matapos na makumpiskahan ng siyam na plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P200 buy-bust money.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: