PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Construction worker ginilitan

MANILA, Philippines - Ginilitan sa leeg at pinagsasaksak hanggang sa pina­tay ang isang 19-anyos na construction worker ng hindi pa nakikilalang salarin kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Namatay noon din sanhi ng mga tama sa leeg at kata-wan buhat sa isang kutsilyo ang biktimang si Ralph Elson Busbos, binata, taga Phase 8, Brgy. North Fairview ng naturang siyudad.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng sus­pect at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Virgilio Mendoza, ng Criminal Investigation and Detective Unit, Quezon City Police District (CID, QCPD), naganap ang insidente alas-12:30 kahapon ng madaling araw sa  Rod and Fely Eatery, na matatagpuan sa panulukan ng Peseta at Dollar Sts., Brgy.  North Fairview,  QC.

Habang nagluluto sa loob ng kusina si Josephine Barbero, nakarinig ito ng kaguluhan at kaagad na inalam niya ito. Dito niya nakitang may kaaway ang biktima, na  pinagsusuntok ito ng suspect.

Sa takot ni Barbero lumabas ito at pagkalipas ng ilang minuto ay nakita na lamang nitong duguan at wala ng buhay ang biktima at ang suspect naman ay mabilis na tumakas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo nang pamamaslang sa biktima at nagsasagawa na ng follow-up para sa agarang pagdakip sa naturang suspect.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: