PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 ‘tulak’ todas sa shootout

Patay ang apat na kalala­kihan na hinihinalang mga ‘tulak’ matapos na makipagbarilan sa mga pulis kaha-pon ng madaling araw sa Quezon City. AP Photo/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines - Patay ang apat na kalala­kihan na hinihinalang mga ‘tulak’ matapos na makipagbarilan sa mga pulis kaha-pon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang mga hindi pa kilalang mga suspek matapos na magta­mo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng  katawan. Ang mga ito  ay nasa edad 20 hanggang 45.

Sa report na isinumite ng commander ng Laloma Station 1 na si Police Supt. Rodelio B. Marcelo sa tanggapan ni P/ Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea­zar, Director ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente alas-3:50 kahapon ng madaling araw sa Eleven Road, Brgy. Balingasa ng naturang lungsod.

Nagsasagawa ng police patrol ang mga tauhan ng Station 1 at namataan nila ang apat na kalalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklong walang plaka.

Sinita ang mga ito ng mga pulis dahil sa kahina-hinalang kilos. Subalit, sa halip na sumuko ay pinaputukan ang awtoridad. Dito na gumanti ang mga pulis at sa palitan ng putok, wala ng buhay nang bumulagta ang apat na suspect.

Na-recover ng mga pulis mula sa mga suspect ang isang kalibre .38,.9mm, cal. 45, mga bala at ilang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hinala ng pulisya, sangkot ang mga suspek sa pagtutulak ng droga.

Ang bangkay ng mga suspect ay pansamantalang, nakalagak ngayon sa Lights Funeral Parlor at nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: