PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Babaeng pasahero nakuhanan ng 2 bala sa NAIA

MANILA, Philippines -  Isang  pasaherong babae na patungong Tagbiliran ang nasamsaman ng dalawang bala ng kalibre .45 sa bitbit nitong kulay brown sling hand bag matapos siyang dumaan sa initial checkpoint x-ray machines patungo sa airline check-in counter sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 (old domestic airport).

Kinilala ang pasahero ng si Rhodora Vargas, na pasahero ng flight Z2-354, papuntang Tagbiliran.

Sa pagsisiyasat hindi malaman ng pasahero kung saan nanggaling ang bala na nakalagay sa bag niya habang tinatanong ng mga awtoridad sa nasabing paliparan.

Ayon sa ulat, matapos kumpiskahin ang dalawang bala na bitbit ni Vargas, isinalin ito sa pag-iingat ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), at pinayagan din itong makasakay ng eroplano patungong  probinsiya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: