PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5 huli sa aktong nagre-repack ng droga

MANILA, Philippines -  Huli sa mga awtoridad ang limang lalaki na aktong nagre-repack ng droga sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Jerry Umayao hepe ng Makati City Police ang mga nadakip na sina Michael Ternida, Christopher Santos at Benjamin Dala pawang naninirahan sa M.H Del Pilar St. Brgy.Rizal nang nasabing lungsod.

Habang ang dalawang binatilyo na may edad na 14 at 15 na hindi na tinukoy ang mga pangalan ay itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Base sa report ni Chief Ins­pector Gideon Ines, hepe  ng Station Dangerous Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police dakong alas-8:00 ng gabi nang kanilang pasukin ang bahay ni Ternida sa naturang lugar.

Ayon kay Ines, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga residente hinggil sa ilegal na gawain ng lima.

Agad pinuntahan ng mga awtoridad ang nasabing bahay at bumungad sa kanila ang tatlong suspek na umanoy nagre-repack ng droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Itinanggi naman ng limang nadakip na nagre-repack sila ng shabu sa halip ay sinabing nagsusugal lamang.

Hindi naman pinaniwalaan ng mga awtoridad ang pahayag ng mga suspek dahil sa mga nakuhang ebidensiya ng plastik sachet na sinasabing naglalaman ng droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: