PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

700K na guro isasailalim sa drug test

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, nasa final stage na ang kanilang binabalangkas na guidelines para tuluyang mapasimulan ang drug testing sa mga guro at lahat ng empleyado ng kagawaran. File

MANILA, Philippines -  Kabuuang 700,000 public school teacher sa bansa ang nakatakdang isailalim sa  mandatory drug testing ng Department of Education (DepEd) katuwang ang Department of Health (DOH).

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, nasa final stage na ang kanilang binabalangkas na guidelines para tuluyang mapasimulan ang drug testing sa mga guro at lahat ng empleyado ng kagawaran.

“We are already finalizing (the guidelines). The Department of Health (DOH) has been training our teachers in getting the samples and so on... It will start anytime,” sabi ni Briones.

Ayon kay Briones, naglaan sila ng P39-milyong budget sa nasabing drug test at maging ang lahat ng aplikante bilang guro at non-teaching personnel ay cover ng programa.

Ang drug testing naman sa mga estudyante ay kailangang isailalim muna sa ‘random sampling basis’ ng mga mag-aaral sa high school.

Aniya, kailangan ay ma­ging maingat sila sa pagsasagawa ng drug testing sa mga estudyanrte dahil majority sa mga ito ay minors.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bahagi ng programa ang pagsasailalim sa rehabilitation sa sino mang magiging positive sa paggamit ng bawal na gamot.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: