PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 patay sa buy-bust sa Maynila

Sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila kinilala ni PO1 Jeffrey Laus, may hawak ng kaso sa MPD homicide division ang mga nasawi na sina Jonathan Sumagka Jr. alyas Carlo,23 ng  La Torre St., Tondo Maynila; Francisco Pacheco, alyas Kiko, 38  at Lauro Soriano, alyas Dong ,55 pawang  taga-Narcisa St. sa Tondo Maynila. AP/Aaron Favila, File

Sa magkakahiwalay na drug operations

MANILA, Philippines -  Apat ding katao na dawit sa ipinagbabawal na gamot ang napaslang nang manlaban sa mga tauhan ng   Manila Police sa hiwalay na operasyon sa nabanggit na lungsod.

Sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila kinilala ni PO1 Jeffrey Laus, may hawak ng kaso sa MPD homicide division ang mga nasawi na sina Jonathan Sumagka Jr. alyas Carlo,23 ng  La Torre St., Tondo Maynila; Francisco Pacheco, alyas Kiko, 38  at Lauro Soriano, alyas Dong ,55 pawang  taga-Narcisa St. sa Tondo Maynila.

Sinasabing naganap ang insidente  dakong alas- 5:58 ng hapon sa may Estero de Magdaleno malapit sa kanto ng Narcisa St. 

Nakipag- transaksyon umano ang isa sa mga napaslang na si  Carlo sa nagkunwa­ring posuer- buyer na si PO2 Alvin Alvapara. Nang iaabot na ng pulis ang P500 marked money kay Carlo ay natunugan nitong isang parak ang ka-transaksyon.

Bunsod nito, agad na bumunot ng baril si Carlo at  pinaputukan si Alvin pero nakatakbo ang huli at nakahingi ng tulong sa mga kasamahan.

Narinig naman ni Kiko at Dong ang sigaw ni Carlo dahilan para bumunot na rin ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga papalapit na pulis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakuha sa mga suspek ang tatlong .38 caliber na baril at  7 sachet ng shabu .

Sa isa pang insidente nasawi si Richard Borinaga, 43, ng Tondo,  Maynila.

Nabatid na si Borinaga ay isang kilabot na ‘tulak’  at nasa drug watchlist ng pulisya .

Isinagawa ang operasyon kahapon ng umaga sa may Smokey Mountain sa Tondo Maynila ang mga elemento ng  Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police.

Una umanong binaril ni Borinaga ang grupo ng pulis na masuwerteng wala itong tinamaan dahilan para gumanti ang mga awtoridad na sanhi ng pagkamatay ng suspect. Nakuha sa crime scene ang isang caliber 38 na baril, 1 empty shell at isang sachet ng shabu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: