PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Chinese huli sa tangkang pagpupuslit ng P1.5M smartphones

Ang mga nasamsam na ilang units ng Iphone 7 na inilagay sa isang itim na plastic bag saka inilagay sa bagpack ng isang Chinese nang masabat ng mga tauhan ng Customs sa NAIA. (Kuha ni Rudy Santos)

MANILA, Philippines -  Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang tangkang pagpuslit ng may P1.5 mil­yon ha­laga ng 30 pirasong iPhone 7 ng isang Chinese national matapos harangin sa Customs arrival area, ilang minuto matapos itong dumating galing China.

Kinilala ni BOC-NAIA District III Collector Ed Macabeo ang Chinese passenger na si Su Miaoquiao, na tubong Xiamen,China.

Ayon kay Macabeo, na­bigo ang pasahero na ide­k­larang ‘taxable items’ ang kanyang dalang mga high­ tech cellphones.

Nabuko ang mga dala nitong gadgets nang dumaan ang mga epektos sa x-ray machines kaya nilagyan ito ng markings para ma-subject sa 100% examinations.

Dito nadiskubre ang 30 unit ng iPhone 7 na nakabalot sa plastic bags.

“The importation of smartphone is considered legal if the importer declared it as taxable items and can pre­sent the proper national Telecommunications Commission (NTC) import permit to the Customs authorities,” sabi ni Maj. Jaybee Raul Cometa ng X-ray Inspection Project.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, si Miaoquiao ay sinampahan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at paglabag sa NTC regulations code.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: