PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ginang itinumba ng tandem

MANILA, Philippines -  Itinumba ng  riding in tandem ang isang ginang na kabilang sa drug watchlist ng barangay at pulisya, sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot dahil sa dami ng tama ng bala sa kata­wan ang biktimang si Nemia Flores, 53, residente ng San Vicente St., Brgy. 178,  Area D, Camarin, Caloocan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, dakong alas-5:00 ng hapon kama­kalawa nang maganap ang insidente sa panulukan ng San­tolan at Avocado Sts., Brgy. 178, Camarin.

Pauwi umano ng bahay ang biktima habang sakay ng tri­cycle nang harangin ng riding in tandem, bumaba ang backride at pinaulanan ng putok ang biktima.

Sa takot ng tricycle driver ay nagtatakbo ito palayo. Sa impormasyon ng pulisya mula kay Barangay Executive Officer Emidio Samonte, si Flores ay nabigong sumurender sa ‘Oplan Tokhang’ kahit maraming beses na itong inimbitahan dahil sa impormasyon na sangkot ito sa iligal na droga sa lugar.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: