PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-utol na ‘tulak’, utas sa buy-bust

Sa ulat ng Manila Police District, dakong alas-2:40  ng madaling araw nang magkasa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Team ng Sta. Ana Police Station 6 sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Con­corcio Pangilinan, na target na madakip ang magka­patid na Viros. File

MANILA, Philippines -  Patay ang magkapatid na kapwa hinihinalang mga ‘tulak’ ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa San Andres Bukid, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga napas­lang na suspek na sina Ronnie Viros, alyas Balong, 22; at kanyang kuya na si Rolly, alyas Oying Mata, 24, kapwa naninirahan sa San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District, dakong alas-2:40  ng madaling araw nang magkasa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Team ng Sta. Ana Police Station 6 sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Con­corcio Pangilinan, na target na madakip ang magka­patid na Viros.

Nang magkabentahan ng ilang plastic sachet ng shabu, dadakmain na ng mga pulis ang magkapatid nang makahalata si Rolly na parak ang katransaksyon niyang si PO3 Harry Imam. Nagbunot umano ito ng baril at pinaputukan ang pulis na alerto namang nakaiwas.

Nakabunot rin agad ng baril si Imam at nabaril si Rolly na agad bumulagta nang masapul. Nagtangka namang tumulong umano ni Ronnie na armado rin ng baril ngunit naunahan siyang mabaril ng mga nakaantabay na mga pulis.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang magkapatid ngu­nit kapwa hindi na uma­bot ng buhay. Narekober sa dalawang suspek ang dalawang kalibre .38 baril, mga bala, dalawang P100 bill na ginamit na marked money at pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: