Residente sa tabing ilog, 24 oras babantayan
MANILA, Philippines - Nakatutok ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa epekto ng bagyo at habagat sa mga residente sa tabing ilog sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MDRRMO Director Johnny Yu, pinapayuhan din nila ang mga naninirahan sa tabing ilog na maging alerto 24 oras sakaling magpatuloy ang pagsusungit ng panahon at bumilis ang pagtaas ng tubig sa Ilog Pasig.
Aniya, posibleng agad na ipatupad ang pre-emptive evacuation.
Partikular na tinukoy ni Yu ang mga bahay na nasa ilalim ng tulay, Baseco Compound at Isla Puting Bato.
- Latest