^

Metro

Metro Manila binaha

Pilipino Star Ngayon
Metro Manila binaha

Ang mataas na pagbaha sa may P. Burgos St. sa Manila kahapon dahil sa walang humpay na mga pag-ulan dahilan sa habagat na pinalakas ng bagyong si Gorio. Isang malaking puno naman ang bumagsak sa isang kotse sa may Brgy. Laging Handa sa Quezon City dahil na rin sa walang tigil na pag-ulan. Mga kuha ni Kriz John Rosales at Boy Santos

MANILA, Philippines - Nagdulot ng matin-ding pagbaha sa mara-ming lugar sa Metro Manila at karatig lugar na nagresulta rin sa pagkakabuhul-buhol ng trapiko ang malakas na ulan dala ng bagyong Gorio na nagpalala pa  sa habagat, kahapon.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, patuloy ang monitoring ng kanilang  tanggapan sa mga mababang lugar  sa Me-tro Manila at maging sa mga karatig lalawigan.

Base sa report ng Office of Civil Defense (OCD) National Capital Region, kabilang sa mga binahang lugar ay ang kahabaan ng N. Domingo Gilmore, Araneta Maria Clara, Calamba, Amoranto na hindi ma­daanan ng maliliit na behikulo, hanggang tuhod ang baha sa Biak na Bato,  hanggang gulong ng behikulo sa SM Centerpoint westbound; pawang sa Quezon City.

 Samantalang sa bahagi ng Dapitan Mayon, Brgy. Sta Teresita at maging sa Araneta, Vic­to­ria, Brgy. Tatalon ay hanggang balikat rin ang baha na hindi na madaanan ng anumang uri ng behikulo.

Sa kahabaan ng EDSA ay hanggang hita sa may bahagi ng Taft  sa Pasay City; hanggang tuhod sa Roxas Boulevard; abot sa gulong ng behikulo sa Santolan Service Road, gayundin sa Camp Aguinaldo Gate 3; hanggang gulong sa Shaw Boulevard at maging sa Ortigas habang hanggang tuhod naman sa Magallanes MRT northbound .

Ayon pa sa report sa kahabaan ng C5 ay hanggang tuhod sa bahagi ng Hypermart northbound at southbound; hanggang tuhod sa Canley Road southbound, hindi madaanan ng maliliit na behikulo ang Kalayaan Road southbound habang hanggang gulong naman ang baha sa McKinley Hills southbound.

Iniulat naman na sa lungsod ng Maynila ay hanggang gulong ng behikulo ang baha sa kahabaan ng Rizal Ave­nue; Osmeña, Quirino L. Guinto; hanggang tuhod sa España Anti-polo; hindi madaanan  ng maliliit na behikulo ang bahagi ng Romualdez, Taft; hanggang tuhod ang baha sa España Antipolo; hanggang bay­wang sa Manila City Hall; hindi madaanan ang Bonifacio Drive, Roxas Katigbak, hindi rin madaanan ng anumang uri ng behikulo ang kahabaan ng F. Manalo Blumentritt;  pawang sa lungsod ng Maynila.

 Samantalang sa katimugang bahagi ng Metro Manila ay hanggang tuhod naman ang baha sa kahabaan ng Villamore; hindi madaa-nan ng mga behikulo ang bahagi ng SM Sucat; hanggang tuhod ang baha sa bahagi ng Baclaran-Redemptorist, hanggang tuhod  sa Pasay Drive at hanggang baywang naman sa   may Osmeña-Buendia.

 Iniulat rin na dumanas rin ng mga pagbaha ang ilang bahagi ng Camanava area kabilang dito ay ang Caloocan City ay bumaha sa bahagi ng Balintawak Cloverleaf sa harapan ng St. Joseph Church sa north bound; sa Mala-bon City ay sa bahagi ng Tonsuya, P. Bautista, E. Aquino at iba pa.

 Sa Taguig City ay dumanas ng pagbaha na hanggang gulong ang C-5 sa bahagi ng Market Market sa southbound at maging ang ilan pang mga lugar sa lungsod naman ng Makati.

Maging ang mara-ming lugar sa CAMANAVA area ay lumubog din sa baha.

Sa Caloocan City, pi­nakamataas na pagba­baha na namonitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang kalsada ng Rizal Avenue Extension sa may R. Papa Street, na umabot ng hanggang balikat. Umabot ang baha sa Rizal Avenue Extension hanggang sa Monumento at sa EDSA-MCU.

Sa Navotas City, ipinalabas ni Mayor John Rey Tiangco ang kanilang mga “amphi-bious vehicle” para sumaklolo sa mga pamilya na malalagay sa panga­nib at mga mai-stranded sa kalsada dahil sa pagbabaha sa ilang pangunahing kalsada. 

Nagsagawa naman ng declogging operations ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  sa mga area na  apektado ng mataas na tubig-baha dulot ng ma-lakas na pag-ulan dahil sa  bagyong Gorio.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, alas-9:00 kahapon ng umaga nagsimulang magsagawa ng cleaning operation ang kani­lang Flood Control and Sewe­rage Management Office (FCSMO) sa kaha­baan ng Tayuman St.,  malapit sa Land Transpor­tation Office (LTO);  Lacson St. malapit sa  SM San Lazaro, Santa Cruz sa  Maynila at  Gov. Pascual  panulukan ng MH Del Pilar St., Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Dahil nga sa pagtaas ng tubig, maaga pa’y  nagdeklara na ang ilang mga lungsod at ilang karatig bayan ng suspensyon ng klase. Bandang tanghali ay idineklara na rin ang suspensyon sa trabaho sa gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with