^

Metro

Clean Air Act, ipatupad -DOTr

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatutupad ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang “Clean Air Act”, dahil na rin sa napakaruming hangin sa Metro Manila at madalas na  aksidente sa mga sasakyan na nauuwi sa kamatayan.

Ayon kay DOTr Investigation, Security and Law Enforcement staff director III Jer B. Samson, kailangan ang todo-higpit sa ngayon ang pagpapatupad ng naturang programa.

Dahil dito, nagbabala si Samson sa mga Private Emis­sion Testing Center (PETC) sa bansa na binigyan ng accreditation na huwag pairalin ang kanilang mga ginagawang kalokohan.

Gaya na lamang ng mga baklas plaka at non-appea-rance ng mga sasakyan na basta na lamang  binibigyan ng mga test result ang mga may-ari ng sasakyan na dumadaan sa maayos at malinis na pagsusuri ang mga ito.

Katuwang ng nasabing tanggapan ang Franchising Review Staff na pinangungunahan ni Legal Officer V, Legal Service and Hearing officer Atty. Flordeliza S. Reyes.

Sinisiguro ng DOTr na walang sinoman mga may-ari ng Emission testing ang makakalusot sa kanilang mga mali at baluktot na gawain at kinakailangan ipasara ang kanilang mga center.

Dagdag pa ni Samson, nais lamang ng pamunuan na mabago ang sistemang hindi nasusunod ng tama nang sa gayon ay mapatino ang mga testing center lalo na iyong mga ‘‘no appearance’’ ng sasakyan.

Giit pa ni Samson, na wa­lang sisinuhin sa pagpapatupad ng batas at dapat lamang sundin ang mga programang nakabubuti para sa nakararami at hindi lamang para sa iilan na siyang nais ng bagong administrasyong Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with