^

Metro

300 pamilya nasunugan sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 300 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan makaraang matupok ng malaking sunog ang isang residential area sa kabila ng pagbuhos ng ulan, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-5:15 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa may Asinto Pilapil, Dulong Herrera Street sa Brgy. Ibaba, ng naturang lungsod.

 Agad namang nakaresponde ang mga bumbero kung saan umabot sa higit 10 trak ng bumbero ang nakarating ngunit nahirapan na malabanan ang apoy dahil sa hindi magkasya ang mga trak sa makikitid na eskinita at tanging maliliit na trak lamang ang nakapasok. 

Dahil dito, hindi agad sumapat ang tubig na ibinobomba ng mga bumbero sa lugar na may apoy.  Tumulong rin naman ang mga residente na nagkanya-kanyang salok ng tubig sa kanal at maging sa baha na isinasaboy nila sa apoy.

Dakong alas-8:22 na ng umaga nang ganap na maapula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma. Nasa higit 100 kabahayan na pawang yari sa light material ang tuluyang natupok sa insidente.

Iniimbestigahan naman ng mga arson investigator na sa bahay ng isang Fely Decilio nagmula ang apoy makaraang mapabayaan umano ang nilulutong kaning-baboy nang makatulog ang nagbabantay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with