^

Metro

Estafa queen ng Baguio, timbog sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police ang  nagtatagong estafa queen na  tumangay ng P2 milyon mula sa tanggapan ng real estate sa Bagiuo City matapos arestuhin sa pamamagitan ng warrant of arrest sa isang  construction company sa Brgy. Kamuning, sa lungsod.

Kinilala ni P/Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Kamu-ning Police Station 10 (QCPD PS10) ang suspek na si Love­lyn Batallones, 28, tubong Dasdasan St., Marcos Higway, Bagiuo City at empleyada ng construction firm sa Brgy. Kamuning, QC

Nabatid sa pulisya na si Batallones ay 3 taon ng wanted dahil sa 58 counts ng kasong estafa at may warrant of arrest laban sa kanya ang ipinalabas ng RTC Branch 3 ng Bagiuo City.

Ayon sa reklamo ni Vivian Corpuz, presidente ng real estate sa Bagiuo City, tatlong taon na ang nakalipas, na-ging tesorero at secretary ng real estate si Batallones bago tinangay ang P2 milyong kita ng kompanya.

Sinabi pa ng biktima na nang malaman nila na emple­yada bilang auditor ang suspek sa isang construction firm sa Kamuning Road, agad nila itong ipinagbigay alam sa pulisya.

Ganap na alas-10:45 ng umaga kahapon, agad suma­lakay ang mga operatiba sa nasabing construction firm at isinilbi noon din ang warrant kay Battallones, alyas Lovelyn Lopez at alyas Lovelyn Ico.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with