Pagpapabalik sa mga dating kulungan ng mga inmates sa NBP, inutos ni Aguirre
MANILA, Philippines - Inutos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagpapabalik sa mga inmates sa kanilang orihinal na piitan sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa ilalim ng Department Order 496, inatasan ni Aguirre Bureau of Corrections (BuCor) na agad na ibalik sa kanilang ang lahat ng inmates na inilipat sa maximum security o medium security compound mula sa Building 14 noong Disyembre 1, 2016.
Nakakulong sa Building 14 ang mga high-profile inmates na umano’y nagkokontrol sa 75 porsiyento ng bentahan ng illegal drug trade na binuwag ng pamahalaan.
Binigayan ni Aguirre ng 10 araw ang BuCor na sundin ang kanyang kautusan kabilang na ang pagsusumite ng listahan ng mga inmates at inventory ng mga inmates na inilipat sa detention facility.
Kinakailangan na nakasaad sa report ang dahilan at petsa ng pagkakalipat at kung saan inilipat. Sa ngayon ang NBP ay may 24,000 inmates.
- Latest