Uber at Grab binalaan ng DOTr
Hulihan simula na bukas
MANILA, Philippines - “Franchise ‘nyo, ayusin ninyo kung ayaw ninyo ng aresto”.
Ito ang babala ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa pamunuan ng Uber at Grab.
Ayon kay Sec. Tugade, simula bukas (July 26) ay huhulihin na ang mga driver at operator ng Uber at Grab na walang kaukulang dokumento tulad ng prangkisa mula Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
“Everyone is welcome to do business in this country as long as they follow the rules. The Duterte administration welcomes all well-meaning businessmen,” anang kalihim.
Hiniling ni Tugade sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) na isumite sa kanila ang pangalan ng mga driver at operator na may prangkisa na para makapag-operate at makapamasada ng walang abala sa kalsada.
Kabilang sa pinasusumite ni Tugade sa mga operator at driver ng Uber at Grab ang kanilang ‘‘financial statements at income tax returns’’.
“If things can be worked out, if things can be logical, if things can be done on a win-win basis, then let’s shake hands and do business,” anang kalihim.
Nabatid na may kabuuan ng 42,000 na accredited driver ang Uber at Grab, 3,700 lamang ang may prangkisa at 11,000 ang nakabinbin pa ang kanilang aplikasyon.
- Latest