^

Metro

2 preso tigok sa ‘heat stroke’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Heat stroke ang sina-sa­bing dahilan ng pagkamatay ng dalawang preso at pagkakalagay sa kritikal na kondis­yon ng isa pa kahapon ng madaling araw sa loob ng Manila Police District-Police Station 9 detention cell sa Malate, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 2:20 ng madaling araw nang mag-collapsed dahil sa matinding init ang mga presong sina  Michael Justiniave, alyas Bakla, 44, ng Blk. 16 Lot 14 Bagong Silang Phase 9, Quezon  City; Rolly Olarte, 37, taxi driver, naninirahan sa No. 507 Fa-cundo St. Pasay City; Ireneo Concordia,42, sidecar boy, residente ng 1720 Muñoz Tramo, Pasay City at Rolando Maniquis.

Idineklarang dead-on- arrival ni Dr. Joseph Bathan sina Justiniave at Olarte, habang inoobserbahan pa at nasa kritikal na kondis­yon si Maniquis habang lig­tas na ang kalagayan  ni  Con­cordia.

Hindi nakayanan ng mga     biktima ang init sa loob ng  kulungan sa nasabing police station.

Lumilitaw na ang natu-rang selda ay idinisenyo lamang para sa kapasidad ng 50-70 detainees pero dahil sa matinding kampan­ya laban sa kriminalidad ng pulisya umabot sa 114 detainee ang kasalukuyang nakakulong sa naturang detention cell.

Dinala ang mga bangkay sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with