^

Metro

Re-routing sa SONA, inilabas ng MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Re-routing sa SONA, inilabas ng MMDA

Magpapatupad ng re-routing scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Lunes sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte  dahil  sa isasara ang ilang mga kalsada. File

MANILA, Philippines -  Magpapatupad ng re-routing scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Lunes sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte  dahil  sa isasara ang ilang mga kalsada.

Sa abiso kahapon ng MMDA, inaasahang maka­karanas ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, LITEX, at Batasan Complex.

Kung kaya’t pinayuhan ang mga motoristang babagtas dito, na dumaan na lamang sa mga itinalagang alternatibong ruta.

Sa mga motoristang pa northbound lane, maaa-ring kumanan sa Congressional Avenue, papasok ng Mindanao Avenue, kanan ng Old Sau­yo Road bago muling lumabas sa Commonwealth Avenue.

Kapag manggagaling naman sa Quezon Ave­nue, maaaring dumaan papasok ng North Avenue, diretso sa Mindanao Avenue at lumabas sa Commonwealth paglagpas  ng Fairlane St.

Samantala sa mga pa-southbound lane na galing ng Commonwealth Avenue, maaaring  kumanan sa Fairlane St., kanan uli  sa Dahlia St., labas ng  Old Sauyo Road, bago pumasok sa Mindanao Avenue at lalabas na ng EDSA. Ang magmumula naman sa SM Fairview at Robinson patungong Quirino Highway ay diretso lamang, na  palabas ng Minda­nao Avenue. Mula naman ng Fairview at Min-danao Avenue kanan sa Jordan Plains,  diretso sa Quirino Highway at palabas ng Mindanao Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon sa MMDA, isasara  rin nila ang ilang bahagi ng IBP Road simula alas-12:00 ng tanghali, dahil dito dadaan ang mga mambabatas, VIP, at iba pang mga magtutungo sa pagdadausan ng SONA.

Sa tantiya ng MMDA, tinatayang nasa 10,000 militante ang magmamartsa mula Commonwealth Avenue hanggang Batasang Pambansa pagsapit ng ala-1:00 ng hapon sa mismong araw ng SONA. 

Nabatid, na mas maluwag ang ipatutupad na seguridad sa kanila ngayong taon, dahil  papayagan  silang makalapit sa gate ng Batasan. 

Samantala, tinatayang mahigit sa 6,000 pulis  ang idi-deploy naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbigay ng seguridad sa SONA ng Pangulo, ngunit hindi sila maaring magdala ng mga baril, truncheon, at batuta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with