^

Metro

Rider, pisak sa 14-wheeler truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napisak ang isang motorcycle rider nang magulungan ng 14-wheeler truck habang lumalabas sa garahe ang huli sa Brgy, Pinagbuhatan, Pasig City kahapon ng mada-ling araw.

Nasawi noon din ang biktimang si Jason Labon, residente ng naturang lungsod habang isinuko naman sa pulisya ng kanyang amo ang suspek    na si Rodolfo Romero.

Sa initial report ng Traffic Bureau ng Pasig City, nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Sandoval Ave­nue, Brgy. Pinagbuhatan.

Kalalabas pa lamang sa garahe ng trak na may plakang TUE 222 at pagmamay-ari ng J. Antonio Forwarding Service na minamaneho ng suspek, nang aksidenteng bumangga dito ang motorsiklo ng biktima.

Nagtuluy-tuloy pa uma­no na pumailalim sa truck ang biktima at motorsiklo nito sanhi upang masagasaan ito at masawi.

Nabatid na patungo sana sa pier ang trak, na may kargang mga salamin, nang maganap ang aksidente.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng truck na nakapiit na ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with