^

Metro

4 pang ‘tulak,’ utas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Apat na dawit sa droga ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila simula kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw.

Sa Marikina City,  patay ang isang drug suspect nang bistayin ng bala ng riding-in-tandem habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan di kalayuan sa kaniyang tahanan sa Brgy. Sto. Niño, kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din si Teody Cruz, 40, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Norberto Saboriendo, ng Mandaluyong City Police, na bumibili lamang ng sigarilyo ang biktima sa tindahan malapit sa kanilang tahanan nang lapitan ito at pagbabarilin ng mga suspek dakong alas-10:45 ng gabi.

Sa Maynila naman , isang 28-anyos na umano’y ‘tulak’ ng iligal na droga ang bumulagta rin matapos  manlaban sa isang buy-bust operation, sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Sta,  Ana  Hospital ang target ng operasyon ng  Manila Police District na si  Paul John Michael Enrera, residente ng Tenorio St., San Andres Bukid, Maynila dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD-Homi­cide Section,  isinagawa ang operasyon kung saan umaktong buyer si PO3 Rodolfo Ocampo Jr. ng Station Drug Enforcement Team ng MPD-Station 6, sa bahay ng suspek dakong ala-1:10 ng madaling araw, kung saan nagawang manlaban ng suspek na naging sanhi rin ng kanyang kamatayan.

Patay  rin ang umano’y ‘tulak’ ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City,  kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Igmidio Bernaldez, hepe ng Quezon City Police District Masambong Police Station 2 ang suspek na si Allan Corpuz, alyas Palaka, 21, residente ng   Ilagan St.,Brgy. Paltok, Quezon City.

Si Corpuz ay nasawi noon din sa lugar ng insidente dahil sa tinamong tama bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng Masambong police dakong ala- 1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa may West Santiago St., Brgy. Paltok sa lungsod.

Kabilang sa drug watchlist si alyas Palaka at natiyempuhan siya ng mga pulis sa tulong na rin ng ilang mga residente sa lugar. 

Sa Caloocan bulagta rin ang isang drug suspect nang manlaban umano sa mga pulis sa isang operasyon sa lungsod,  habang 35 pang mga sangkot sa iligal na droga ang nadakip sa ipinatupad na “one time, big time operations” ng Northern Police District.

Nakilala ang nasawi na si Monching Fuentes, ng Brgy. 176 Bagong Silang, habang nakatakas naman ang apat niyang kasamahan.

Isang kalibre .38 baril ang nakumpiska ng mga pulis sa loob ng bahay ng suspek at tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.  Napag-alaman naman na si Fuentes ang kanang-kamay ng No. 1 drug pusher ng Caloocan na si Joey Cadena na napaslang rin ng mga pulis noong Mayo 14.

Samantala, nasa 35 katao ang inaresto ng iba’t ibang units ng NPD sa ipinatupad na “one time big time operations” kontra iligal na droga.  (Mer Layson, Ludy Bermudo,

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with