^

Metro

4 timbog sa P15-M shabu na ‘padala’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
4 timbog sa P15-M shabu na �padala�

Ang 25 piraso ng sikaflex sealant na naglalaman ng may 2 kilo ng shabu buhat sa Mexico na dumating sa DHL warehouse. Apat katao na nagtangkang kumuha ng pakete ang inaresto ng mga awtoridad. Kuha ni Rudy Santos

MANILA, Philippines -  Isang babae at tatlong lalaki ang inaresto matapos matuklasan ang paketeng kanilang kukunin sa DHL warehouse ay may lamang dalawang kilo ng shabu na may street value na P15 milyon, kamakala­wa.

Kinilala  ni Lt. Sherwin Andrada, hepe ng Customs Drug Interdiction Unit, ang mga suspects na sina Isnairah Duranggun Pundato ng Capitol Estate, Batasan Hills Quezon City;  Casan Osor Rainang, ng Bautista St., Quiapo, Manila; Jamal Aminah Tantao, ng Dahlia St. Fairview Quezon City, at Alnor Sultan Pundato ng Sitio Kamunoy St., Quezon City.

Sa ginawang pagsisiyasat ng mga tauhan ni Andrada, isang Alnor Pendato ang lumalabas na claimant ng pakete,  siya rin ang nagpadala ng shabu galing abroad at diumano’y gumamit lamang ng pangalan James Corpuz.

Sa ginawang imbes­tigasyon ang pakete ay nanggaling sa Mexico na dumating noon naka­raan buwan sa bansa at naka-consigned sa isang James Corpuz, ng Block 2 lot 3 Victorian Fairview, Quezon City at Family store Dahlia Ave., West 1118 Quezon City. 

Ayon sa impormasyon, ang pakete ay idineklarang ‘sikaflex sealant’ na may gross weight na 20.6 kilos at may declared value na US$660.00.  Sinasabing ang timbang ng nahuling droga ay 1.97 kilo.

Sinabi ng Customs Drug Unit, nang duma-ting diumano sa DHL warehouse ang pakete ay agad itong isinalang sa x-ray machine at sa ginawang inspeksyon nabatid na may 25 pirasong cylindrical tubes  na ang laman ng loob nito ay mga shabu.

Sabi sa report, pinadalhan nila ng notice ang consignee ng shipment para kunin ito pagkatapos ng ilang araw ay dumating ang apat para i-claim ang kargamento at dahil sa positibong shabu ang laman nito ay hindi na nila pinakawalan ang apat para magsagawa ng imbestigasyon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with