^

Metro

Biktima ng pambabastos sa bus, umani ng kritisismo

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umani ng samu’t-saring reaksyon ang isang biktima ng pambabastos matapos niyang ibahagi ang naging karanasan sa isang bus kung saan makailang ulit umano siyang hinipuan ng isang lalaki.

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Kaye Domingo ang nangyaring pangbabastos sa kanya ng isang matandang lalaki.

Aniya, sumakay siya ng bus sa Las Piñas dakong 5:25 ng umaga papuntang Maynila. Ngunit bigla umano siyang nagising ng may tumabi sa kanyang lalaki.

Patuloy ni Domingo, dahil sa antok ay hindi niya agad namalayan na unti-unti na umano siyang hinihipuan ng lalaki kung saan makailang beses umanong siyang hinawakan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Ngunit dahil sa takot, wala umanong nagawa si Domingo.

Ipinakita rin ni Domingo ang mga larawan ng pangyayari, kung saan palihim niyang kinunan ang mukha ng lalaki para mai-dokumento ang pangyayari.

“Words cannot express how truly disgusted I am. Sobrang nakakatakot. Sobrang nakakadiri sa pakiramdam. Nandidiri pa rin ako sa sarili ko kahit ako yung binaboy niya and not the other way around. I wish I could have done more. I wish I could have done something habang ginagawa niya sakin mga kahayupan na yun. But it's really different kapag ikaw na yung nasa ganong situation. Sobrang nakakatakot talaga. Kahit gustuhin mong lumaban ang hirap gawin,” wika ni Domingo.

Ngunit hati ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Domingo, ang ilan ay sinisi pa ang dalaga sa nangyaring pangbabastos.

Ngunit sa kabila ng negatibong reaksyon ng iba, ipinagtanggol naman ni Domingo ang kanyang sarili sa mga kritiko nito.

“So many people are blaming me even if I was harassed, victimized. Know that you are no different from that middle-aged man who violated me and I pity you so much for being part of a society that thinks rape is okay; harassment is okay,” patuloy niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with