^

Metro

Pamilya, 4 timbog sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pu­lisya ang isang ama, kanyang dalawang anak na lalaki at babaeng manugang na pawang ikinabubunay ang umano’y ‘pagtutulak’ ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nada­kip na sina Freddie de Guz­man, 63; mga anak niyang sina Zaldy, 36; Freddie Jr., 40; at manugang na si Angelica Ingaran, 26, pawang mga naninirahan sa Brgy. 59, sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, pasado alas-10 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Ca­loocan City Police maka­raang humingi ng saklolo ang mga opisyal ng barangay dahil sa talamak na iligal na gawain ng mag-aamang De Guzman.

Hindi na nakapalag ang apat nang dakmain ng mga pulis makaraang magbenta ng iligal na drogang shabu ang isang poseur buyer. Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, matagal­ na sa iligal na gawain sa ‘pag­tutulak’ ng iligal na droga ang nakakatandang si De Guzman at ipinasa na rin sa mga anak ang aktibidad para sa kanilang ikabubuhay. Ginawa ring drug den ng mga suspek ang kanilang bahay upang dito gamitin ng kanilang mga parokyano ang binibili sa ka­nilang iligal na droga.

Hindi naman ito itinanggi ng matandang De Guzman­ habang umamin ang kan­yang­ anak na si Zaldy na gu­­magamit rin ng shabu sa loob ng walong taon na habang tahasan naman ang pagtanggi ni Freddie Jr. at ng kinakasama na si Ingaran sa akusasyon sa kanila.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Caloocan City Police Detention Center at nahaharap sa kasong pag­la­bag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with