^

Metro

22 huli sa drug ops sa SPD

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 22 katao na pa­wang sangkot umano sa pag­tutulak at paggamit ng droga ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Southern Metro Manila, kamakalawa ng gabi at kahapon.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-2:30 ng mada­ling araw nang madakip ng mga kagawad ng Las Piñas City Police sa isang checkpoint sa Basa Compound, Brgy. Zapote ng naturang siyudad ang apat na kala­lakihan matapos makuhanan ang mga ito ng isang plastic sachet ng shabu.

Nasa 10 namang kala­la­kihan na pawang ‘tulak’ ng droga ang nadakip ng mga tauhan ng Taguig City Police sa isang buy-bust operation sa Labao St., Brgy. Napindan ng naturang lungsod alas-3:30 ng hapon.

Alas-8:30 naman ng uma­ga nang madakip ng ope­ra­tiba ng Makati City Police ang suspect na si Alan Co­mia Gutierrez, 36 sa Val­dez­ St., Brgy. Poblacion ng naturang lungsod matapos makum­pis­kahan ito ng dalawang plas­tic sachet ng shabu.

Si Jonathan Amador, 38 ay nadakip naman nang mag­sagawa ng validation ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police sa Tepaurel Compound PNR Site Brgy. Putatan ng naturang siyudad alas-4:30 ng hapon at nakuhanan ito ng dalawang plastic sachet ng shabu.

Alas-6:00 naman ng gabi nang madakip si Bernie De Amor, 24 sa Phase II, Southville 3, Brgy. Poblacion, Mun­tinlupa City matapos itong makuhanan ng isang plastic sachet ng shabu.

Lima namang kalalakihan na pawang tulak ng droga ang nadakip ng mga kagawad ng Pasay City Police  sa isang buy-bust operation sa  #250 Vergel St., Brgy. 119 ng naturang lungsod alas-8:45 ng gabi.

Nakumpiskahan ang mga ito ng shabu na ang market value ay nasa P23,000.00.

Ang mga nadakip na suspect ay sasampahan ng kasong pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with