^

Metro

Dahil lamang sa plato, obrero inutas ng katrabaho

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos gamitin ang plato na walang paalam, isang obrero ang pinatay sa saksak ng kanyang kasamahan, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Dead on the spot sanhi ng ilang saksak sa dibdib at tiyan ang biktimang si Ke­vin Lampitoc, 23, naninirahan sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Mabilis namang tuma­kas­ ang suspect na nakila­lang si Val Flores na target ngayon ng manhunt ng pulisya.

Sa report na natanggap ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente ala-1:00 kahapon ng madaling araw sa isang construction site, na pinagtatrabahuan ng biktima at suspect sa Yakal St., Brgy. San Antonio Village ng naturang siyudad.

Ayon sa saksing si Teddy Rebong, nakainom umano ang biktima habang ka­­usap nito ang suspect, na kasamahan din nitong construction worker. Sinita umano ng suspect ang biktima kung bakit nito ginamit ang kanyang plato ng walang pa­alam.

Pabalang na sumagot ang biktima hanggang sa nagtalo ang mga ito at dito ay kumuha ng patalim ang suspect at inundayan si Lampitoc ng ilang saksak.

Narekober ng pulisya ang patalim na ginamit ng suspect at ang platong pinag-awayan ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with