^

Metro

Miyembro ng BNG, todas sa tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang miyembro ng ‘Bahala na Gang matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang naglalakad sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Ian Anderson Fellosas, ng  Leo St. Sampaloc, Maynila sanhi ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kata­wan habang inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-7:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa  Mindanao Ave., Sampaloc, Ma­nila.

Naglalakad ang biktima papunta sa isang tindahan nang buntutan siya ng mga suspek at nang makalapit ay bumunot ng baril ang kaangkas nito at sunud-sunod na pinaputukan ang una.

Patuloy naman iniimbes­tigahan ng pulisya kung may kinalaman sa bentahan ng ilegal na droga o personal na galit ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with